-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kabang-yaman: Ayon sa sinaunang mga akdang Judio, ang mga hulugan ng kontribusyon ay kahugis ng trumpeta, o sungay, at lumilitaw na may maliit na butas ito sa ibabaw. Naghuhulog ng pera ang mga tao dito para sa iba’t ibang handog. Ang salitang Griego na ginamit dito ay makikita rin sa Ju 8:20, kung saan isinalin itong “ingatang-yaman.” Lumilitaw na ito ay nasa Looban ng mga Babae. (Tingnan ang study note sa Mat 27:6 at Ap. B11.) Ayon sa mga akda ng mga rabbi, 13 kabang-yaman ang makikita sa paligid ng loobang iyon, malapit sa pader. Sinasabing ang templo ay mayroong pangunahing kabang-yaman at doon dinadala ang perang nakukuha sa iba pang kabang-yaman.
pera: Lit., “tanso,” o baryang tanso, pero ang salitang Griego na ito ay ginagamit din para tumukoy sa lahat ng klase ng pera.—Tingnan ang Ap. B14.
-