-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kung hindi paiikliin ni Jehova ang mga araw: Ipinapaliwanag dito ni Jesus sa mga alagad niya ang gagawin ng kaniyang Ama sa malaking kapighatian. Ang pananalita ni Jesus sa hulang ito ay katulad ng pananalita sa mga hula sa Hebreong Kasulatan kung saan ginamit ang pangalan ng Diyos. (Isa 1:9; 65:8; Jer 46:28 [26:28, Septuagint]; Am 9:8) Kahit “Panginoon” (sa Griego, Kyʹri·os) ang ginamit sa karamihan ng manuskritong Griego, may makatuwirang dahilan para isiping pangalan ng Diyos ang orihinal na ginamit sa tekstong ito at pinalitan lang ng titulong Panginoon. Kaya “Jehova” ang ginamit sa mismong teksto.—Tingnan ang Ap. C1 at introduksiyon ng Ap. C3; Mar 13:20.
-