Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 14:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Ngayon, nang unang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa,+ kung kailan kaugalian nilang ihandog ang hain para sa Paskuwa,+ sinabi sa kaniya ng mga alagad niya: “Saan mo kami gustong pumunta at maghanda ng hapunan para sa Paskuwa?”+

  • Marcos 14:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Ngayon nang unang araw ng mga tinapay na walang pampaalsa,+ kung kailan kaugalian nilang ihain ang hayop na pampaskuwa, sinabi ng kaniyang mga alagad+ sa kaniya: “Saan mo ibig na pumaroon kami at maghanda upang makakain ka ng paskuwa?”+

  • Marcos
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 14:12

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1431

      Jesus—Ang Daan, p. 267

      Ang Bantayan,

      6/1/1990, p. 9

  • Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14:12

      nang unang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa: Ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa ay nagsisimula nang Nisan 15, ang araw pagkatapos ng Paskuwa (Nisan 14), at umaabot ito nang pitong araw. (Tingnan ang Ap. B15.) Pero noong panahon ni Jesus, masyado nang napag-ugnay ang Paskuwa at ang kapistahang ito kaya ang buong walong araw, kasama ang Nisan 14, ay tinutukoy kung minsan na “Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa.” (Luc 22:1) Ang araw na tinutukoy sa tekstong ito ay Nisan 14 dahil sinasabing ito ang araw kung kailan kaugalian nilang ihandog ang hain para sa Paskuwa. (Exo 12:6, 15, 17, 18; Lev 23:5; Deu 16:1-8) Ang nakaulat sa talata 12-16 ay malamang na nangyari noong hapon ng Nisan 13 bilang paghahanda para sa Paskuwa, na ipinagdiriwang “pagsapit ng gabi,” ang pasimula ng Nisan 14.​—Mar 14:17, 18; tingnan ang Ap. B12 at study note sa Mat 26:17.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share