-
Marcos 15:19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 Gayundin, hinahampas nila siya ng tambo sa ulo at dinuduraan, at lumuluhod sila at yumuyukod sa kaniya.
-
-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
dinuduraan: Ang panghahamak na ito kay Jesus ay katuparan ng mismong sinabi niya sa Mar 10:34 at ng hula tungkol sa Mesiyas sa Isa 50:6.—Tingnan ang study note sa Mar 10:34.
yumuyukod sa kaniya: O “nagbibigay-galang sa kaniya.” Ang pandiwang Griego na pro·sky·neʹo ay ginamit dito para tumukoy sa mapanghamak na pagyukod ng mga sundalo kay Jesus habang tinatawag nila siyang “Hari ng mga Judio.”—Mar 15:18; tingnan ang study note sa Mat 2:2.
-