-
Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Pumunta kayo sa mga alagad niya . . . at sabihin ninyo sa kanila: Tingnan ang study note sa Mat 28:7.
at kay Pedro: Si Marcos lang ang manunulat ng Ebanghelyo na nagsabing espesipikong binanggit ng anghel si Pedro. (Ihambing ang kaparehong ulat sa Mat 28:7.) Mababasa naman sa Ju 20:2 na sinabi ni Maria Magdalena ang mensahe ng anghel “kay Simon Pedro at sa isa pang alagad,” si Juan. Bago nagpakita si Jesus sa mga alagad niya noong magkakasama ang mga ito, lumilitaw na nagpakita muna siya kay Pedro noong nag-iisa ito. (Luc 24:34; 1Co 15:5) Ang ginawang ito ni Jesus at ang espesipikong pagbanggit ng anghel kay Pedro ay siguradong nagbigay ng katiyakan kay Pedro na napatawad na siya sa tatlong beses na pagkakaila niya sa kaniyang kaibigan.—Mat 26:73-75.
-