-
Ang Tunay na Liwanag ng MundoAng Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
-
-
Inihula ni Gabriel ang pagsilang kay Juan Bautista (gnj 1 06:04–13:53)
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Herodes: Si Herodes na Dakila.—Tingnan sa Glosari.
Zacarias: Pangalang Hebreo na nangangahulugang “Inalaala ni Jehova.” Ang “Zacarias” ay malapit sa anyong Griego ng pangalang ito.
grupo ni Abias: Si Abias ay mula sa angkan ni Aaron na mga saserdote. Noong panahon ni Haring David, kinikilala si Abias bilang isa sa mga ulo ng angkan sa Israel. Hinati-hati ni David ang mga saserdote sa 24 na pangkat. Ang bawat pangkat ay maglilingkod sa templo sa Jerusalem sa loob ng isang linggo kada anim na buwan. Ang angkan ni Abias ang napili sa pamamagitan ng palabunutan para manguna sa ikawalong pangkat. (1Cr 24:3-10) Kahit si Zacarias ay nasa “grupo ni Abias,” hindi ito nangangahulugang inapo siya ni Abias; nangangahulugan lang ito na inatasan siyang maglingkod sa ilalim ng grupong iyon.—Tingnan ang study note sa Luc 1:9.
Abias: Mula sa pangalang Hebreo na nangangahulugang “Ang Ama Ko ay si Jehova.”
Elisabet: Ang pangalang Griego na E·lei·saʹbet ay mula sa pangalang Hebreo na ʼE·li·sheʹvaʽ (Elisheba), na nangangahulugang “Ang Diyos Ko ay Sagana; Diyos ng Kasaganaan.” Si Elisabet ay mula sa pamilya ni Aaron, kaya ang mga magulang ni Juan ay parehong galing sa angkan ng mga saserdote.
-