-
Ang Tunay na Liwanag ng MundoAng Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
-
-
Inihula ni Gabriel ang pagsilang kay Juan Bautista (gnj 1 06:04–13:53)
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Jehova: Sa saling ito, ito ang unang paglitaw ng pangalan ng Diyos sa Ebanghelyo ni Lucas. Kahit Kyʹri·os (Panginoon) ang ginamit dito ng mga manuskritong Griego na mayroon tayo sa ngayon, may makatuwirang dahilan para isiping pangalan ng Diyos ang orihinal na ginamit sa tekstong ito at pinalitan lang ng titulong Panginoon. (Tingnan ang Ap. C1 at introduksiyon sa Ap. C3; Luc 1:6.) Sa unang dalawang kabanata ng ulat ni Lucas, maraming mababasang pagsipi at kahawig na pananalita at ekspresyon sa Hebreong Kasulatan kung saan lumitaw ang pangalan ng Diyos. Halimbawa, ang pariralang utos at kahilingan ng batas at ang kahawig na kombinasyon ng mga terminong ginagamit sa batas ay makikita sa Hebreong Kasulatan, at sa konteksto kung saan lumitaw ang mga ito, nandoon ang pangalan ng Diyos o si Jehova mismo ang nagsasalita.—Gen 26:2, 5; Bil 36:13; Deu 4:40; 27:10; Eze 36:23, 27.
-