-
Ang Tunay na Liwanag ng MundoAng Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
-
-
Inihula ni Gabriel ang pagsilang kay Juan Bautista (gnj 1 06:04–13:53)
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Jehova: Ang mensahe ng anghel kay Zacarias (tal. 13-17) ay maraming kahawig na pananalita sa Hebreong Kasulatan. Halimbawa, ang kombinasyon ng Kyʹri·os (Panginoon) at The·osʹ (Diyos) na may kasamang personal na panghalip (isinalin ditong Jehova na kanilang Diyos) ay karaniwan sa mga pagsipi sa Hebreong Kasulatan. (Ihambing ang ekspresyong “Jehova na iyong Diyos” sa Luc 4:8, 12; 10:27.) Sa orihinal na teksto ng Hebreong Kasulatan, ang ekspresyong “Jehova na kanilang Diyos” ay lumitaw nang mahigit 30 beses, pero walang mababasa ritong “Panginoon na kanilang Diyos.” Gayundin, ang ekspresyong mga anak ni Israel ay mula sa isang idyomang Hebreo na lumitaw nang maraming beses sa Hebreong Kasulatan. Tumutukoy ito sa “mga Israelita.”—Gen 36:31; tingnan ang introduksiyon sa Ap. C3; Luc 1:16.
-