Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Gayundin, mauuna siya sa Diyos* taglay ang sigla at lakas ni Elias,+ para ang puso ng mga ama ay gawing tulad ng sa mga anak*+ at para tulungan ang mga masuwayin na maging marunong at gawin ang tama, nang sa gayon ay maihanda ang mga tao para kay Jehova.”*+

  • Lucas 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Gayundin, siya ay mauuna sa kaniya taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias,+ upang ipanumbalik ang mga puso+ ng mga ama sa mga anak at ang mga masuwayin tungo sa praktikal na karunungan ng mga matuwid, upang ihanda para kay Jehova+ ang isang nakahandang bayan.”+

  • Lucas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:17

      Sagot sa mga Tanong sa Bibliya, artikulo 178

      Kaunawaan, p. 724, 1054-1055, 1334

      Ang Bantayan,

      9/15/1997, p. 12

      “Lahat ng Kasulatan,” p. 173

  • Ang Tunay na Liwanag ng Mundo
    Ang Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
    • Inihula ni Gabriel ang pagsilang kay Juan Bautista (gnj 1 06:04–13:53)

  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:17

      Elias: Pangalang Hebreo na nangangahulugang “Ang Diyos Ko ay si Jehova.”

      para ang puso ng mga ama ay gawing tulad ng sa mga anak: Ang ekspresyong ito ay sinipi mula sa hula na nasa Mal 4:6. Nangangahulugan ito na mapapakilos ng mensahe ni Juan ang mga ama na magsisi. Ang matigas na puso nila ay magiging gaya ng sa mga masunuring anak na mapagpakumbaba at madaling turuan. Ang ilan ay magiging anak ng Diyos. Inihula rin ni Malakias na ang puso ng mga anak ay magiging gaya ng sa mga ama. Ibig sabihin, ang mga nagsisisi ay magiging gaya ng tapat na mga ama nila, sina Abraham, Isaac, at Jacob.

      maihanda ang mga tao para kay Jehova: Ang sinabi ng anghel kay Zacarias (tal. 13-17) ay may kahawig na pananalita sa Mal 3:1; 4:5, 6; at Isa 40:3, kung saan ginamit ang pangalan ng Diyos. (Tingnan ang study note sa Luc 1:15, 16.) Ang pariralang Griego para sa maihanda ang mga tao ay may kahawig na ekspresyon sa salin ng Septuagint sa 2Sa 7:24, kung saan mababasa sa tekstong Hebreo: “Ginawa mong sarili mong bayan ang Israel . . ., O Jehova.”​—Tingnan ang introduksiyon sa Ap. C3; Luc 1:17.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share