-
Lucas 1:36Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
36 Nagdadalang-tao rin ang kamag-anak mong si Elisabet. Anim na buwan na niyang ipinagbubuntis ang isang anak na lalaki, kahit matanda na siya at tinatawag na babaeng baog;
-
-
Ang Tunay na Liwanag ng MundoAng Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
-
-
Inihula ni Gabriel ang pagsilang kay Jesus (gnj 1 13:52–18:26)
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kamag-anak mong: Ang anyong ito ng terminong Griego (syg·ge·nisʹ) ay isang beses lang lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, pero ang isa pang ispeling ng salitang ito (syg·ge·nesʹ) ay ginamit sa ibang mga talata. (Luc 1:58; 21:16; Gaw 10:24; Ro 9:3) Ang mga terminong ito ay parehong tumutukoy sa isang kamag-anak. Kaya magkamag-anak sina Maria at Elisabet, pero hindi sinabi kung ano ang eksaktong kaugnayan nila. Sina Zacarias at Elisabet ay mula sa tribo ni Levi, at sina Jose at Maria naman ay mula sa tribo ni Juda, kaya malamang na malayo silang magkamag-anak.
-