-
Lucas 1:74Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
74 Kapag nailigtas na niya tayo mula sa mga kaaway, ibibigay niya sa atin ang pribilehiyong gumawa ng sagradong paglilingkod sa kaniya nang walang takot
-
-
Ang Tunay na Liwanag ng MundoAng Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
-
-
Hula ni Zacarias (gnj 1 27:15–30:56)
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
gumawa ng sagradong paglilingkod sa kaniya: O “sumamba sa kaniya.” Ang pandiwang Griego na la·treuʹo ay pangunahin nang tumutukoy sa paglilingkod. Sa Bibliya, tumutukoy ito sa paglilingkod sa Diyos, sa paglilingkod na may kaugnayan sa pagsamba sa kaniya (Mat 4:10; Luc 2:37; 4:8; Gaw 7:7; Ro 1:9; Fil 3:3; 2Ti 1:3; Heb 9:14; 12:28; Apo 7:15; 22:3), o sa paglilingkod sa templo (Heb 8:5; 9:9; 10:2; 13:10). Kaya sa ilang konteksto, puwede ring isalin ang ekspresyong ito na “sumamba.” Sa ilang pagkakataon naman, iniugnay ito sa huwad na pagsamba—paglilingkod, o pagsamba, sa mga nilalang.—Gaw 7:42; Ro 1:25.
-