-
Lucas 2:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 (Nangyari ang unang pagpaparehistrong ito noong si Quirinio ang gobernador ng Sirya.)
-
-
Lucas 2:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 (naganap ang unang pagpaparehistrong ito noong si Quirinio ay gobernador ng Sirya;)
-
-
Ang Tunay na Liwanag ng MundoAng Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
-
-
Nagpunta sina Jose at Maria sa Betlehem; isinilang si Jesus (gnj 1 35:30–39:53)
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
si Quirinio ang gobernador ng Sirya: Isang beses lang binanggit sa Bibliya si Publio Sulpicio Quirinio, isang kilalang Romanong senador. Sinasabi noon ng mga iskolar na isang termino lang naglingkod si Quirinio bilang gobernador sa lalawigan ng Roma na Sirya noong mga 6 C.E., kung kailan nagkaroon ng rebelyon dahil sa isang sensus. Kaya kinukuwestiyon nila ang ulat ni Lucas. Ikinakatuwiran nilang 6 o 7 C.E. naging gobernador si Quirinio, samantalang isinilang si Jesus bago ang panahong iyon. Pero may natagpuang inskripsiyon noong 1764 na malinaw na nagpapakitang naglingkod nang dalawang termino si Quirinio bilang gobernador (o, kinatawan) ng Sirya. At dahil sa iba pang inskripsiyon, kinilala ng ilang istoryador na naging gobernador din si Quirinio nang isang termino sa panahon ng B.C.E. Lumilitaw na sa panahong ito naganap ang unang pagpaparehistro na binanggit sa talatang ito. Gayundin, nakalimutan ng mga kritiko ang tatlong mahahalagang bagay. Una, dahil tinawag ito ni Lucas na ‘unang pagpaparehistro,’ ipinapakita nito na alam niyang may iba pang sensus. Maliwanag na alam niya ang sumunod na pagpaparehistro, na nangyari noong mga 6 C.E. Binanggit ni Lucas ang pagpaparehistrong iyon sa Gawa (5:37), at binanggit din ito ni Josephus. Ikalawa, ang kronolohiya ng Bibliya ay nagpapatunay na ipinanganak si Jesus, hindi noong ikalawang termino, kundi noong unang termino ni Quirinio, na nasa pagitan ng 4 at 1 B.C.E. Ikatlo, kilala si Lucas bilang isang metikulosong istoryador, na nabuhay sa panahong nangyari ang marami sa mga iniulat niya. (Luc 1:3) Bukod diyan, ginabayan siya ng banal na espiritu.—2Ti 3:16.
-