Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 2:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Ipinanganak ngayon sa lunsod ni David+ ang inyong tagapagligtas,+ ang Kristo na Panginoon.+

  • Lucas 2:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon ang isang Tagapagligtas,+ na siyang Kristo na Panginoon,+ sa lunsod ni David.+

  • Lucas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:11

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 119

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1206-1207

      Ang Bantayan,

      8/15/2011, p. 8

      1/1/1991, p. 15-16

      1/1/1990, p. 3

  • Ang Tunay na Liwanag ng Mundo
    Ang Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
    • Nagpakita ang mga anghel sa mga pastol na nasa labas (gnj 1 39:54–41:40)

  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:11

      ang Kristo: Ang paggamit ng anghel sa titulong ito ay maliwanag na makahula, dahil naging Mesiyas lang, o Kristo, si Jesus nang ibuhos sa kaniya ang banal na espiritu noong bautismuhan siya.​—Mat 3:16, 17; Mar 1:9-11; Luc 3:21, 22.

      ang Kristo na Panginoon: Ang ekspresyong Griego na isinaling “ang Kristo na Panginoon” (khri·stosʹ kyʹri·os, lit., “ang Kristong Panginoon”) ay dito lang lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Ang paggamit ng anghel ng mga titulong ito ay maliwanag na makahula, kaya ang ekspresyong ito ay puwede ring isaling “ang magiging Kristo na Panginoon.” (Tingnan ang study note sa ang Kristo sa talatang ito.) Sa patnubay ng banal na espiritu, ipinaliwanag ni Pedro sa Gaw 2:36 na si Jesus ay ginawa ng Diyos na “Panginoon at Kristo.” Pero may iba pang intindi sa ekspresyong isinaling “ang Kristo na Panginoon.” Sinasabi ng ilang iskolar na puwede itong isaling “ang pinahirang Panginoon.” Sinasabi naman ng iba na ang kombinasyon ng mga titulong ito ay nangangahulugang “ang Kristo ng Panginoon,” na mababasa sa ilang salin ng Luc 2:11 sa Latin at Syriac. Gayundin, sa ilang salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Hebreo (may code na J5-8, 10 sa Ap. C), ginamit ang ma·shiʹach Yeho·wahʹ, o “ang Kristo ni Jehova.” Dahil sa mga ito at iba pang dahilan, iniisip ng ilan na ang termino sa Luc 2:11 ay kasingkahulugan ng ekspresyong Griego sa Luc 2:26 na isinaling “ang Kristo ni Jehova.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share