-
Ang Tunay na Liwanag ng MundoAng Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
-
-
Nagpakita ang mga anghel sa mga pastol na nasa labas (gnj 1 39:54–41:40)
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
at sa lupa ay magkaroon ng kapayapaan ang mga taong may pagsang-ayon niya: Sa ilang manuskrito, ang mababasa ay “at sa lupa ay magkaroon ng kapayapaan, kabutihang-loob sa mga tao,” at ganito ang mababasa sa ilang salin ng Bibliya. Pero ang salin dito ng Bagong Sanlibutang Salin ay batay sa mas luma at mas maaasahang mga manuskrito. Hindi sinasabi dito ng anghel na ipapakita ng Diyos ang kaniyang kabutihang-loob sa lahat ng tao, anuman ang ugali at ginagawa nila. Sa halip, ang tatanggap lang ng kabutihang-loob niya ay ang mga nagpapakita ng tunay na pananampalataya sa kaniya at ang mga tagasunod ng kaniyang Anak.—Tingnan ang study note sa mga taong may pagsang-ayon niya sa talatang ito.
mga taong may pagsang-ayon niya: Ang salitang Griego na eu·do·kiʹa ay puwede ring isaling “pabor; kabutihang-loob.” Ang kaugnay na pandiwang eu·do·keʹo ay ginamit sa Mat 3:17; Mar 1:11; at Luc 3:22 (tingnan ang study note sa Mat 3:17; Mar 1:11), kung saan kinausap ng Diyos ang Anak niya pagkatapos ng bautismo nito. Pangunahin itong nangangahulugang “sang-ayunan; kalugdan; paboran.” Kaya ang ekspresyong “mga taong may pagsang-ayon niya” (an·throʹpois eu·do·kiʹas) ay tumutukoy sa mga taong tumatanggap ng kabutihang-loob ng Diyos at puwede ring isaling “mga taong kinalulugdan niya.” Hindi sinasabi dito ng anghel na ipapakita ng Diyos ang kaniyang kabutihang-loob sa lahat ng tao. Sa halip, ipapakita niya lang ito sa mga magpapasaya sa kaniya dahil sa kanilang tunay na pananampalataya at pagiging tagasunod ng kaniyang Anak. Sa ilang konteksto, ang salitang Griego na eu·do·kiʹa ay tumutukoy sa kabutihang-loob ng mga tao (Ro 10:1; Fil 1:15), pero madalas na tumutukoy ito sa kabutihang-loob ng Diyos, sa kalooban niya, o sa paraan ng pamumuhay na sinasang-ayunan niya (Mat 11:26; Luc 10:21; Efe 1:5, 9; Fil 2:13; 2Te 1:11). Sa salin ng Septuagint sa Aw 51:18 (50:20, LXX), ginamit ang salitang ito para tumukoy sa “kabutihang-loob” ng Diyos.
-