-
Ang Tunay na Liwanag ng MundoAng Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
-
-
Dinala si Jesus sa templo para iharap kay Jehova (gnj 1 43:56–45:02)
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Kautusan ni Jehova: Ang ekspresyong “Kautusan ni Jehova” ay lumitaw nang maraming beses sa Hebreong Kasulatan. Kombinasyon ito ng salitang Hebreo para sa “kautusan” at ng Tetragrammaton. (Halimbawa: Exo 13:9; 2Ha 10:31; 1Cr 16:40; 22:12; 2Cr 17:9; 31:3; Ne 9:3; Aw 1:2; 119:1; Isa 5:24; Jer 8:8; Am 2:4.) Madalas gamitin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang ekspresyong gaya ng nakasulat kapag sumisipi ito mula sa Hebreong Kasulatan.—Mar 1:2; Gaw 7:42; 15:15; Ro 1:17; 10:15; tingnan ang study note sa Luc 1:6 at introduksiyon sa Ap. C3; Luc 2:23.
bawat panganay na lalaki: Ang ulat sa Luc 2:22-24 ay hindi lang tumutukoy sa handog na ibinigay sa panahon ng pagpapabanal kay Maria (tingnan ang study note sa Luc 2:22; 2:24), kundi pati sa kahilingan ng Kautusan na magbayad ang mag-asawa ng limang siklong pilak pagkapanganak ng kanilang panganay. Bilang panganay na anak na lalaki, si Jesus ay ibinukod para sa Diyos at pag-aari niya. Kaya hinihiling ng Kautusan na tubusin si Jesus ng mga magulang niyang sina Jose at Maria. (Exo 13:1, 2; Bil 18:15, 16) Ibibigay ang pantubos ‘kapag ang edad ng anak ay isang buwan na pataas.’ Kaya puwedeng magbayad si Jose ng limang siklo kasabay ng paghahandog ni Maria para sa pagpapabanal sa kaniya, 40 araw pagkapanganak kay Jesus.
Jehova: Sa pagsiping ito sa Exo 13:2, 12, ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo.—Tingnan ang Ap. C.
-