-
Ang Tunay na Liwanag ng MundoAng Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
-
-
Nagkapribilehiyo si Simeon na makita ang Kristo (gnj 1 45:04–48:50)
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ang Kristo: O “ang Pinahiran; ang Mesiyas.” Ang salitang “Kristo” ay mula sa salitang Griego na Khri·stosʹ at katumbas ng titulong “Mesiyas” (mula sa Hebreo na ma·shiʹach). Pareho itong nangangahulugang “Pinahiran.”—Tingnan ang study note sa Mat 1:1 at ang Kristo ni Jehova sa talatang ito.
ang Kristo ni Jehova: May makatuwirang mga dahilan para gamitin sa mismong teksto ang pangalan ng Diyos, kahit na ang mababasa sa natitirang mga manuskritong Griego sa ngayon ay “ang Kristo ng Panginoon” (ton khri·stonʹ Ky·riʹou). Sa mga kopya ng Septuagint sa ngayon, ang ekspresyong ito ay ipinanunumbas sa terminong Hebreo na ma·shiʹach YHWH (“pinahiran ni Jehova”), na 11 beses na ginamit sa Hebreong Kasulatan.—1Sa 24:6 (dalawang beses), 10; 26:9, 11, 16, 23; 2Sa 1:14, 16; 19:21; Pan 4:20; tingnan ang introduksiyon sa Ap. C3; Luc 2:26.
-