-
Ang Tunay na Liwanag ng MundoAng Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
-
-
Nagkapribilehiyo si Simeon na makita ang Kristo (gnj 1 45:04–48:50)
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
muling pagbangon: Ang salitang Griego na a·naʹsta·sis na ginamit dito ay karaniwan nang isinasaling “pagkabuhay-muli” sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. (Tingnan ang study note sa Mat 22:23.) Ipinapahiwatig ng sinabi ni Simeon sa talatang ito na iba-iba ang magiging reaksiyon ng mga tao kay Jesus at malalantad ang pangangatuwiran ng puso nila. (Luc 2:35) Para sa mga di-sumasampalataya, si Jesus ay magiging isang tanda na tutuligsain, ibig sabihin, kamumuhian nila siya. Dahil sa kawalan ng pananampalataya, hindi nila siya tatanggapin at matitisod sila sa kaniya at babagsak. Gaya ng inihula, si Jesus ay naging batong ikinatisod ng maraming Judio. (Isa 8:14) Pero ang iba ay mananampalataya kay Jesus. (Isa 28:16) Sila ay makasagisag na bubuhaying muli, o ibabangon, mula sa pagiging ‘patay dahil sa kanilang mga pagkakamali at kasalanan’ at magkakaroon ng matuwid na katayuan sa harap ng Diyos.—Efe 2:1.
-