-
Ang Tunay na Liwanag ng MundoAng Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
-
-
Nagsalita si Ana tungkol sa bata (gnj 1 48:52–50:21)
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Lagi siyang nasa templo: Laging nasa templo si Ana; posibleng nandoon na siya pagkabukas pa lang ng pintuang-daan ng templo sa umaga hanggang sa pagsasara nito sa gabi. Kasama sa pagsamba niya ang pag-aayuno at mga pagsusumamo, na nagpapakitang naghihirap ang kalooban niya sa kalagayan ng Israel at gusto niya ng pagbabago, gaya ng iba pang tapat na lingkod ng Diyos. (Ezr 10:1; Ne 1:4; Pan 1:16) Daan-daang taon nang sakop ng mga banyagang bansa ang mga Judio, at lumalala ang espirituwal na kalagayan ng Israel. Naapektuhan na rin nito kahit ang mga gawain sa templo at ang pagkasaserdote. Malamang na iyan ang dahilan kaya si Ana at ang iba pa ay sabik na “naghihintay sa pagliligtas sa Jerusalem.”—Luc 2:38.
sumasamba: O “nag-uukol ng sagradong paglilingkod.”—Tingnan ang study note sa Luc 1:74.
-