-
Lucas 2:46Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
46 Pagkalipas ng tatlong araw, nakita nila siya sa templo. Nakaupo siya sa gitna ng mga guro habang nakikinig at nagtatanong sa kanila.
-
-
Ang Tunay na Liwanag ng MundoAng Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
-
-
Ang 12-taóng-gulang na si Jesus sa templo (gnj 1 1:04:00–1:09:40)
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nagtatanong sa kanila: Makikita sa reaksiyon ng mga nakikinig kay Jesus na ang mga tanong niya ay hindi kasinsimple ng mga tanong ng isang batang nag-uusisa. (Luc 2:47) Sa ilang konteksto, ang salitang Griego na isinaling “nagtatanong” ay puwedeng tumukoy sa sunod-sunod na pagtatanong sa hukuman o pagbabalik ng tanong sa kausap. (Mat 27:11; Mar 14:60, 61; 15:2, 4; Gaw 5:27) Sinasabi ng mga istoryador na nakaugalian na ng ilang prominenteng lider ng relihiyon na manatili sa templo pagkatapos ng mga kapistahan at magturo sa isa sa maluluwag na beranda doon. Puwedeng umupo ang mga tao sa paanan nila para makinig at magtanong.
-