-
Ang Tunay na Liwanag ng MundoAng Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
-
-
Bumalik si Jesus sa Nazaret kasama ng mga magulang niya (gnj 1 1:09:41–1:10:27)
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
sumama siya sa kanila: O “bumaba siyang kasama nila.” Ang Jerusalem ay mga 750 m (2,500 ft) ang taas mula sa lebel ng dagat. Sinabing “bumaba” sila dahil paalis sila ng Jerusalem.—Luc 10:30, 31; Gaw 24:1; 25:7; ihambing ang study note sa Mat 20:17; Luc 2:4, 42.
patuloy siyang naging masunurin: O “patuloy siyang nagpasakop.” Ang anyong patuluyan ng pandiwang Griego ay nagpapakitang matapos mamangha kay Jesus ang mga guro sa templo dahil sa kaalaman niya sa Salita ng Diyos, umuwi siya at mapagpakumbabang nagpasakop sa mga magulang niya. Namumukod-tangi ang pagkamasunurin ni Jesus kumpara sa lahat ng iba pang bata; ipinapakita nito na tinupad ni Jesus ang bawat detalye ng Kautusang Mosaiko.—Exo 20:12; Gal 4:4.
pananalitang ito: O “bagay na ito.”—Tingnan ang study note sa Luc 1:37.
-