Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 3:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Noong ika-15 taon ng pamamahala ni Tiberio Cesar, nang si Poncio Pilato ang gobernador ng Judea, si Herodes*+ ang tagapamahala ng distrito* ng Galilea, si Felipe na kapatid niya ang tagapamahala ng distrito ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ang tagapamahala ng distrito ng Abilinia,

  • Lucas 3:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Nang ikalabinlimang taon ng paghahari ni Tiberio Cesar, nang si Poncio Pilato ang gobernador ng Judea, at si Herodes+ ang tagapamahala ng distrito ng Galilea, ngunit si Felipe na kaniyang kapatid ang tagapamahala ng distrito ng lupain ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ang tagapamahala ng distrito ng Abilinia,

  • Lucas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 3:1

      Masayang Buhay Magpakailanman, aralin 3

      Kaunawaan, p. 25, 134, 140, 790, 973-974, 979

      Kaunawaan, p. 215-216, 1191, 1204, 1303, 1339

      Gumising!,

      Blg. 5 2016, p. 6

      4/2011, p. 10-11

      Ang Bantayan,

      10/15/1990, p. 10

      “Lahat ng Kasulatan,” p. 188

      Salita ng Diyos, p. 63-64

  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:1

      ika-15 taon ng pamamahala ni Tiberio: Namatay si Cesar Augusto noong Agosto 17, 14 C.E. (kalendaryong Gregorian). Noong Setyembre 15, pumayag si Tiberio na iproklama siya ng Senado ng Roma na emperador. Kung magsisimula ng pagbilang ng taon mula sa pagkamatay ni Augusto, ang ika-15 taon ng pamamahala ni Tiberio ay mula Agosto 28 C.E. hanggang Agosto 29 C.E. Pero kung magsisimula ng pagbilang mula nang opisyal siyang iproklama bilang emperador, ang ika-15 taon niya ay magiging mula Setyembre 28 C.E. hanggang Setyembre 29 C.E. Lumilitaw na sinimulan ni Juan ang ministeryo niya sa tagsibol (sa hilagang hemisperyo) ng 29 C.E., na pasók sa ika-15 taon ng pamamahala ni Tiberio. Sa ika-15 taon ni Tiberio, malamang na si Juan ay mga 30 taóng gulang na, ang edad kung kailan nagsisimulang maglingkod sa templo ang mga saserdoteng Levita. (Bil 4:2, 3) Ayon sa Luc 3:21-23, si Jesus ay “mga 30 taóng gulang” din nang bautismuhan siya ni Juan at ‘pasimulan niya ang kaniyang gawain.’ Namatay si Jesus noong tagsibol, buwan ng Nisan, kaya ang tatlo-at-kalahating taon ng ministeryo niya ay lumilitaw na nagsimula nang taglagas, noong mga buwan ng Etanim (Setyembre/Oktubre). Malamang na mas matanda si Juan kay Jesus nang anim na buwan at lumilitaw na sinimulan din niya ang kaniyang ministeryo nang mas maaga nang anim na buwan kaysa kay Jesus. (Luc, kab. 1) Kaya makatuwirang isipin na sinimulan ni Juan ang ministeryo niya noong tagsibol ng 29 C.E.​—Tingnan ang study note sa Luc 3:23; Ju 2:13.

      Herodes: Si Herodes Antipas, anak ni Herodes na Dakila.​—Tingnan sa Glosari.

      tagapamahala ng distrito: Lit., “tetrarka,” ang tawag sa isang mababang tagapamahala ng distrito o opisyal na namamahala sa isang teritoryo dahil binigyan siya ng kapangyarihan ng Romanong awtoridad.​—Tingnan ang study note sa Mat 14:1; Mar 6:14.

      si Felipe na kapatid niya: Ang kapatid sa ama ni Herodes Antipas. Si Felipe ay anak ni Herodes na Dakila sa asawa nitong si Cleopatra ng Jerusalem. Kung minsan, tinatawag siyang Felipe na tetrarka para hindi siya maipagkamali sa kapatid niya sa ama na may pangalan ding Felipe (tinatawag kung minsan na Herodes Felipe), na binanggit sa Mat 14:3 at Mar 6:17.​—Tingnan din ang study note sa Mat 16:13.

      Iturea: Isang maliit na teritoryo na di-tiyak ang hangganan at makikita sa hilagang-silangan ng Lawa ng Galilea; lumilitaw na malapit ito sa bulubundukin ng Lebanon at Anti-Lebanon.​—Tingnan ang Ap. B10.

      Traconite: Ang pangalang ito ay galing sa Griegong salitang-ugat na nangangahulugang “malubak”; malamang na tumutukoy ito sa pagiging malubak ng lugar na iyon. Makikita ang Traconite sa teritoryo na tinatawag noon na Basan (Deu 3:3-14), na nasa silangan ng Iturea. Mga 900 sq km (350 sq mi) lang ang lawak nito. Ang hilagang hangganan nito ay umaabot nang mga 40 km (25 mi) sa timog-silangan ng Damasco.

      Lisanias: Ayon sa ulat ni Lucas, si Lisanias ang “tagapamahala ng distrito [lit., “tetrarka”]” ng Romanong distrito ng Abilinia noong pasimula ng ministeryo ni Juan Bautista. Isang inskripsiyon sa Abila, kabisera ng Abilinia, na malapit sa Damasco ng Sirya (tingnan ang Ap. B10), ang nagpapatunay na isang tetrarkang nagngangalang Lisanias ang namahala kasabay ng Romanong Emperador na si Tiberio. Ipinapakita nito na hindi totoo ang sinasabi ng ilang kritiko na ang Lisanias na tinutukoy ni Lucas ay ang hari na namahala sa kalapit na lugar na Chalcis at pinatay noong mga 34 B.C.E., ilang dekada na mas maaga bago ang panahong binabanggit ni Lucas.

      Abilinia: Isang Romanong distrito, o tetrarkiya, na isinunod ang pangalan sa kabisera nitong Abila at makikita sa rehiyon ng Kabundukan ng Anti-Lebanon sa hilaga ng Bundok Hermon.​—Tingnan sa Glosari, “Bulubundukin ng Lebanon.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share