-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
naghihintay: O “nag-aabang.” Posibleng sabik na naghihintay ang mga tao dahil inihayag ng mga anghel ang kapanganakan ni Jesus at ipinamalita ng mga pastol ang mensaheng iyon. (Luc 2:8-11, 17, 18) Pagkatapos, humula naman tungkol sa bata ang propetisang si Ana sa templo. (Luc 2:36-38) Gayundin, ang sinabi ng mga astrologo na dumating sila para magbigay-galang sa “ipinanganak na hari ng mga Judio” ay may malaking epekto kay Herodes, sa mga punong saserdote, sa mga eskriba, at sa buong Jerusalem.—Mat 2:1-4.
-