Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 3:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 at ang banal na espiritu na tulad ng isang kalapati ay bumaba sa kaniya, at isang tinig ang narinig mula sa langit: “Ikaw ang Anak ko, ang minamahal ko; nalulugod ako sa iyo.”+

  • Lucas 3:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 at ang banal na espiritu sa hugis ng katawang tulad ng isang kalapati ay bumaba sa kaniya, at isang tinig ang nanggaling sa langit: “Ikaw ang aking Anak, ang minamahal; ikaw ay aking sinang-ayunan.”+

  • Lucas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 3:22

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      3/2019, p. 8-10

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1351

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 133, 1206-1207

      Jesus—Ang Daan, p. 35

      Ang Bantayan,

      12/1/2007, p. 26

      2/15/1998, p. 13

      7/1/1996, p. 14-15

      11/15/1988, p. 10-11

      3/1/1987, p. 27

  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:22

      tulad ng isang kalapati: Ang mga kalapati ay ginagamit noon sa pagsamba at may makasagisag na kahulugan. Ginagamit ang mga ito sa paghahandog. (Mar 11:15; Ju 2:14-16) Sumasagisag ang mga ito sa pagiging tapat at dalisay. (Mat 10:16) Ang kalapating pinalipad ni Noe ay bumalik sa arka na may tukang dahon ng olibo, na nagpapakitang medyo humupa na ang baha (Gen 8:11) at malapit na ang panahon ng kapahingahan at kapayapaan (Gen 5:29). Kaya noong bautismuhan si Jesus, posibleng ginamit ni Jehova ang kalapati para ipakita ang papel ni Jesus bilang ang Mesiyas, ang dalisay at di-nagkakasalang Anak ng Diyos na maghahandog ng sarili niya para sa sangkatauhan na siyang magbibigay-daan sa panahon ng kapahingahan at kapayapaan habang namamahala siya bilang Hari. Habang bumababa kay Jesus ang banal na espiritu ng Diyos, o aktibong puwersa niya, posibleng mukha itong kalapati na papunta sa dadapuan nito.

      isang tinig ang narinig mula sa langit: Ito ang una sa tatlong pagkakataong iniulat sa Ebanghelyo na narinig ng mga tao na nagsalita si Jehova.​—Tingnan ang study note sa Luc 9:35; Ju 12:28.

      Ikaw ang Anak ko: Tingnan ang study note sa Mar 1:11.

      nalulugod ako sa iyo: Tingnan ang study note sa Mar 1:11.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share