-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Ang tao ay hindi mabubuhay sa tinapay lang: Nang sumipi si Jesus sa Deu 8:3 sa Hebreong Kasulatan, mas maikli ang iniulat ni Lucas kaysa kay Mateo. Sa ilang sinaunang Griegong manuskrito at salin, binuo ang pagsipi at idinagdag ang “kundi sa bawat salita ng Diyos,” kaya ang ulat ni Lucas ay naging kahawig ng ulat sa Mat 4:4. Pero ang mababasa sa mas lumang mga manuskrito ay ang mas maikling bersiyon ng ulat ni Lucas. Gayunman, sa maraming salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Hebreo (may code na J7, 8, 10, 14, 15, 17 sa Ap. C) na gumamit ng mas mahabang pagsipi, makikita ang Tetragrammaton. Puwede itong isalin na “kundi sa lahat ng lumalabas sa bibig ni Jehova.”
-