-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
lawa ng Genesaret: Iba pang tawag sa Lawa ng Galilea, tubig-tabang sa hilagang bahagi ng Israel. (Mat 4:18) Tinawag din itong Lawa ng Kineret (Bil 34:11) at Lawa ng Tiberias. (Tingnan ang study note sa Ju 6:1.) Mga 210 m (700 ft) ang baba nito mula sa lebel ng dagat. May haba itong 21 km (13 mi) mula hilaga hanggang timog at lapad na 12 km (8 mi) mula silangan hanggang kanluran, at ang pinakamalalim na bahagi nito ay mga 48 m (160 ft). Genesaret ang pangalan ng maliit na kapatagan na umaabot sa hilagang-kanlurang baybayin ng lawa. Sinasabi ng ilang iskolar na ang Genesaret ay posibleng anyong Griego ng sinaunang pangalang Hebreo na Kineret.—Tingnan ang study note sa Mat 14:34 at Ap. A7, Mapa 3B, “Mga Pangyayari sa May Lawa ng Galilea.”
-