-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
isang lalaking punô ng ketong: Sa Bibliya, ang ketong ay isang malubhang sakit sa balat, pero hindi lang ito tumutukoy sa ketong na alam natin sa ngayon. Sinumang napatunayang may ketong ay mamumuhay malayo sa mga tao hanggang sa gumaling siya. (Lev 13:2, tlb., 45, 46; tingnan sa Glosari, “Ketong; Ketongin.”) Sa mga Ebanghelyo nina Mateo at Marcos, tinawag lang nila ang lalaki na isang “ketongin.” (Mat 8:2; Mar 1:40) Pero ipinakita ni Lucas, na isang doktor, na lumalala ang sakit na ito. (Col 4:14) Sinabi niya na ang lalaki ay “punô ng ketong,” na nagpapakitang malala na ang kondisyon ng lalaki.—Tingnan ang study note sa Luc 4:38, kung saan ipinakita ni Lucas kung gaano kalubha ang isa pang sakit.
-