Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 6:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Pagkatapos, bumaba siya ng bundok kasama nila at tumayo sa isang patag na lugar, at napakaraming alagad niya ang naroon. Napakarami ring tao mula sa buong Judea at Jerusalem at mula sa mga baybayin ng Tiro at Sidon ang pumunta roon para makinig sa kaniya at mapagaling sa kanilang mga sakit.

  • Lucas 6:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 At siya ay bumabang kasama nila at lumagay sa isang dakong patag, at naroon ang isang malaking pulutong ng kaniyang mga alagad, at isang malaking karamihan ng mga tao+ mula sa buong Judea at Jerusalem at sa tabing-dagat na lupain ng Tiro at Sidon, na pumaroon upang marinig siya at mapagaling sa kanilang mga sakit.+

  • Lucas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 6:17

      Ang Bantayan,

      9/15/1986, p. 8

  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6:17

      tumayo sa isang patag na lugar: Gaya ng makikita sa konteksto, bumaba si Jesus sa isang bundok kung saan siya nanalangin nang magdamag bago niya piliin ang 12 apostol. (Luc 6:12, 13) May nakita siyang patag na lugar sa tabi ng bundok, malamang na di-kalayuan sa Capernaum, ang sentro ng kaniyang ministeryo. Maraming tao ang nagtipon, at pinagaling silang lahat ni Jesus. Ayon sa kaparehong ulat sa Mat 5:1, 2, “umakyat siya sa bundok . . . at nagsimula siyang magturo.” Posibleng tumutukoy ito sa bahagi ng bundok na mas mataas kaysa sa patag na lugar na nasa gilid nito. Kapag pinagsama ang mga ulat nina Mateo at Lucas, lumilitaw na noong bumaba si Jesus sa bundok, huminto siya sa isang patag na lugar, pumuwesto sa mas mataas na bahagi sa gilid ng bundok, at nagsimulang magturo. O puwede ring ang ulat sa Mat 5:1 ay isang sumaryo lang at hindi na nito binanggit ang mga detalyeng ipinaliwanag ni Lucas.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share