-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
hanggang diyan lang ang tatamasahin ninyong kaginhawahan: O “iyan na ang buong kaginhawahan ninyo.” Ang terminong Griego na a·peʹkho, na nangangahulugang “makuha nang buo,” ay madalas makita sa mga resibo, na ang ibig sabihin ay “nabayaran nang buo.” Sinabi ni Jesus na kaawa-awa ang mayayaman dahil sa kirot, lungkot, at iba pang problema na puwede nilang maranasan. Hindi naman sinasabi ni Jesus na masamang magkaroon ng komportableng buhay. Sa halip, nagbababala si Jesus na kung masyadong pahahalagahan ng isang tao ang materyal na kayamanan, baka mapabayaan niya ang paglilingkod sa Diyos at hindi siya maging totoong masaya. Kaya para bang ‘nakuha na niya nang buo’ ang kaginhawahan na puwede niyang tamasahin. Wala na siyang aasahang gantimpala sa Diyos.—Tingnan ang study note sa Mat 6:2.
-