Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 6:42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 42 Paano mo masasabi sa kapatid mo, ‘Kapatid, hayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo,’ samantalang hindi mo nakikita ang troso sa sarili mong mata? Mapagpanggap!* Alisin mo muna ang troso sa sarili mong mata para makita mo nang malinaw kung paano aalisin ang puwing sa mata ng kapatid mo.

  • Lucas 6:42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 42 Paano mo masasabi sa iyong kapatid, ‘Kapatid, pahintulutan mo akong alisin ang dayami na nasa iyong mata,’ gayong ikaw mismo ay hindi tumitingin sa tahilan na nasa mata mong iyan?+ Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang tahilan mula sa iyong sariling mata,+ at kung magkagayon ay makikita mo nang malinaw kung paano aalisin ang dayami na nasa mata ng iyong kapatid.+

  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6:42

      Mapagpanggap!: O “Mapagkunwari!” Ang salitang Griego na hy·po·kri·tesʹ ay tumutukoy noong una sa mga Griego (at pagkatapos ay sa mga Romano) na umaarte sa entablado at nakasuot ng malalaking maskara para hindi sila makilala at lumakas ang boses nila. Nang maglaon, ginamit ang terminong ito para tumukoy sa sinumang nagpapanggap at nagtatago ng totoo niyang motibo o personalidad. Sa Mat 6:5, 16, tinawag ni Jesus na “mapagkunwari” ang mga Judiong lider ng relihiyon. Dito naman sa Luc 6:42, ipinatungkol ni Jesus ang terminong ito sa sinumang alagad na nakapokus sa pagkakamali ng iba pero binabale-wala ang sarili niyang pagkakamali.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share