Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 7:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Di-nagtagal pagkatapos nito, pumunta siya sa lunsod na tinatawag na Nain, at kasama niyang naglakbay ang mga alagad niya at maraming iba pa.

  • Lucas 7:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Di-nagtagal pagkatapos nito ay naglakbay siya patungo sa isang lunsod na tinatawag na Nain, at ang kaniyang mga alagad at ang isang malaking pulutong ay naglalakbay na kasama niya.

  • Lucas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 7:11

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 540, 738

      Ang Bantayan,

      3/1/2008, p. 23

  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7:11

      Di-nagtagal pagkatapos nito: Ang mababasa sa ilang sinaunang manuskrito ay “Kinabukasan,” pero ang ginamit sa tekstong ito ay batay sa mas luma at maaasahang mga manuskrito.

      Nain: Isang lunsod ng Galilea na mga 35 km (22 mi) sa timog-kanluran ng Capernaum, kung saan lumilitaw na galing si Jesus. (Luc 7:1-10) Ang Nain, na dito lang nabanggit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ay sinasabing ang bayan ng Nein sa ngayon, na nasa hilagang-kanluran ng burol ng More, na mga 10 km (6 mi) sa timog-silangan ng Nazaret. Sa ngayon, maliit lang ang bayang ito, pero makikita sa mga guho sa lugar na iyon na malaki ito dati. Maganda ang kapaligiran sa Nain, at mula rito, matatanaw ang Kapatagan ng Jezreel. Sa Nain nangyari ang una sa tatlong pagbuhay-muli na ginawa ni Jesus na nakaulat sa Bibliya. Ang iba pa ay sa Capernaum at sa Betania. (Luc 8:49-56; Ju 11:1-44) Mga 900 taon bago nito, binuhay-muli ni propeta Eliseo ang anak na lalaki ng babaeng Sunamita sa kalapít na bayan ng Sunem.​—2Ha 4:8-37.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share