-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
isang babae, na kilalang makasalanan: Ipinapakita ng Bibliya na lahat ng tao ay makasalanan. (2Cr 6:36; Ro 3:23; 5:12) Kaya mas espesipiko ang pagkakagamit dito ng terminong “makasalanan” at maliwanag na tumutukoy sa mga taong kilalang makasalanan, halimbawa, mga taong imoral o kriminal. (Luc 19:7, 8) Si Lucas lang ang nag-ulat tungkol sa makasalanang babaeng ito, posibleng isang babaeng bayaran, na nagbuhos ng langis sa paa ni Jesus. Ang ekspresyong Griego para sa “kilalang” ay puwedeng literal na isaling “isang,” pero sa kontekstong ito, malamang na tumutukoy ito sa katangian na pagkakakilanlan ng isang tao o sa isang partikular na uri na kinabibilangan ng isang tao.
-