-
Lucas 7:44Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
44 Pagkatapos, tumingin siya sa babae at sinabi niya kay Simon: “Nakikita mo ba ang babaeng ito? Pumasok ako sa iyong bahay; hindi mo ako binigyan ng tubig para sa mga paa ko. Pero binasâ ng babaeng ito ng mga luha niya ang mga paa ko at pinunasan ng kaniyang buhok.
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
tubig para sa mga paa ko: Noon, gaya ng ginagawa sa maraming lugar sa ngayon, paglalakad ang pangunahing paraan ng paglalakbay. May ilang pangkaraniwang tao na nakayapak lang, pero marami ang nagsusuot ng sandalyas na suwelas lang na tinalian ng katad. Bago pumasok ng bahay, naghuhubad sila ng sandalyas. Tanda ng pagkamapagpatuloy ang paghuhugas sa paa ng bisita. Ginagawa ito ng may-ari ng bahay o ng isang alipin. Kung hindi man hugasan ang paa ng bisita, bibigyan siya ng tubig para ipanghugas.—Gen 18:4; 24:32; 1Sa 25:41; Luc 7:37, 38.
-