-
Lucas 8:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 pati ang ilang babae na napalaya mula sa masasamang espiritu at napagaling ang mga sakit: si Maria na tinatawag na Magdalena, na napalaya mula sa pitong demonyo;
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
si Maria na tinatawag na Magdalena: Ang babaeng madalas tawaging Maria Magdalena ay unang binanggit dito sa ulat ng ikalawang taon ng pangangaral ni Jesus. Ang pangalan niyang Magdalena (nangangahulugang “Ng, o Mula sa, Magdala”) ay malamang na kinuha sa bayan ng Magdala. Ang bayang ito ay nasa kanlurang baybayin ng Lawa ng Galilea at nasa pagitan ng Capernaum at Tiberias. Sinasabing sa Magdala lumaki si Maria o doon siya nakatira. Karaniwan nang nababanggit si Maria Magdalena sa mga ulat tungkol sa pagkamatay at pagkabuhay-muli ni Jesus.—Mat 27:55, 56, 61; Mar 15:40; Luc 24:10; Ju 19:25.
-