-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
lupain ng mga Geraseno: Ang rehiyon sa kabilang panig, sa silangang baybayin ng Lawa ng Galilea. Hindi matukoy sa ngayon ang eksaktong hangganan ng rehiyong ito, pati ang mismong lokasyon nito. Sinasabi ng ilan na ang “lupain ng mga Geraseno” ang rehiyon sa palibot ng Kursi, malapit sa matarik na dalisdis na nasa silangang baybayin ng lawa. Iniisip naman ng iba na ito ang malaking distrito na nakapalibot sa lunsod ng Gerasa (Jarash), na makikita 55 km (34 mi) sa timog-silangan ng Lawa ng Galilea. Tinatawag itong “lupain ng mga Gadareno” sa Mat 8:28. (Tingnan ang study note sa Mat 8:28; Mar 5:1.) Kahit magkaibang lugar ang binanggit, ang dalawang lupaing ito ay makikita sa iisang malawak na rehiyon sa silangang baybayin ng Lawa ng Galilea, at malamang na nagpapang-abot ang mga hangganan ng dalawang lupaing ito. Kaya hindi nagkakasalungatan ang mga ulat tungkol dito.—Tingnan din ang Ap. A7, Mapa 3B, “Mga Pangyayari sa May Lawa ng Galilea,” at Ap. B10.
Geraseno: Tingnan ang study note sa Mar 5:1.
-