-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kalaliman: Ang salitang Griego na aʹbys·sos, na nangangahulugang “napakalalim” o “di-maarok; walang hangganan,” ay tumutukoy sa isang bilangguan o sa pagiging bilanggo. Lumilitaw ito nang siyam na beses sa Kristiyanong Griegong Kasulatan—dito, sa Ro 10:7, at pitong beses sa Apocalipsis. Sinasabi sa Apo 20:1-3 na sa hinaharap, ihahagis si Satanas sa kalaliman at mananatili siya roon nang sanlibong taon. Posibleng ito ang nasa isip ng hukbo ng mga demonyo nang magmakaawa sila kay Jesus na huwag silang papuntahin sa “kalaliman.” Sa talata 28, nagmakaawa ang isa sa mga demonyo na huwag siyang “pahirapan” ni Jesus. Sa kaparehong ulat sa Mat 8:29, nagtanong ang mga demonyo kay Jesus: “Pumunta ka ba rito para parusahan kami bago ang takdang panahon?” Kaya ang ‘pagpapahirap’ na kinatatakutan ng mga demonyo ay malamang na tumutukoy sa pagiging bilanggo “sa kalaliman.”—Tingnan ang Glosari at study note sa Mat 8:29.
-