-
Lucas 8:39Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
39 “Umuwi ka, at patuloy mong sabihin sa iba kung ano ang ginawa ng Diyos para sa iyo.” Kaya umalis siya at inihayag sa buong lunsod kung ano ang ginawa ni Jesus para sa kaniya.
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
patuloy mong sabihin sa iba kung ano ang ginawa ng Diyos para sa iyo: Karaniwan nang iniuutos ni Jesus na huwag ipamalita ang mga himala niya (Mar 1:44; 3:12; 7:36; Luc 5:14), pero inutusan niya ang lalaking ito na sabihin sa mga kamag-anak niya ang nangyari. Posibleng ganito ang iniutos niya dahil pinaalis siya ng mga tao sa lugar na iyon kaya hindi na siya makakapagpatotoo. Makakatulong din ang patotoo ng lalaki para maitama ang di-magandang balita na posibleng kumalat dahil sa pagkamatay ng mga baboy.
buong lunsod: Ang mababasa sa kaparehong ulat sa Mar 5:20 ay “sa Decapolis.” Kaya lumilitaw na ang lunsod na tinutukoy rito ay isa sa mga lunsod sa rehiyon ng Decapolis.—Tingnan sa Glosari, “Decapolis.”
-