16 At kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nanalangin.* Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa mga alagad para ipamahagi sa mga tao.
16 Sa gayon, pagkakuha sa limang tinapay at sa dalawang isda, tumingala siya sa langit, pinagpala ang mga ito at pinagputul-putol at pinasimulang ibigay sa mga alagad upang ihain sa pulutong.+
pinagpira-piraso niya ang mga ito: Karaniwan nang lapád, manipis, at matigas ang mga tinapay noon. Kaya naman pinagpipira-piraso ito bago kainin.—Mat 14:19; 15:36; 26:26; Mar 6:41; 8:6.