-
Lucas 9:43Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
43 At silang lahat ay namangha sa dakilang kapangyarihan ng Diyos.
Habang namamangha sila sa lahat ng ginagawa niya, sinabi niya sa kaniyang mga alagad:
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
dakilang kapangyarihan ng Diyos: O “kadakilaan ng Diyos.” Kapag nagpapagaling si Jesus, hindi niya inaangkin ang papuri. Sa halip, ipinapakita niya na dahil sa kapangyarihan ng Diyos ang mga himalang ito.
-