-
Lucas 10:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 At kung may isang kaibigan ng kapayapaan na naroon, mapapasakaniya ang inyong kapayapaan. Pero kung wala, babalik ito sa inyo.
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kaibigan ng kapayapaan: Lit., “anak ng kapayapaan.” Isinulat ito sa Griego, pero ang pananalitang ito ay may kahawig na idyomang Hebreo na tumutukoy sa mapagpayapa o mapayapang tao. Sa kontekstong ito, tumutukoy ito sa isang tao na gustong makipagkasundo sa Diyos at nakikinig sa “mabuting balita ng kapayapaan” at tumatanggap nito, kaya nagkakaroon siya ng mapayapang kaugnayan sa Diyos.—Gaw 10:36.
-