-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Jehova: Sa Deu 6:5, na sinipi dito, ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo.—Tingnan ang Ap. C.
puso . . . kaluluwa . . . lakas . . . pag-iisip: Dito, isang lalaking eksperto sa Kautusan ang sumipi sa Deu 6:5, kung saan ang orihinal na tekstong Hebreo ay gumamit ng tatlong termino—puso, kaluluwa, at lakas. Pero sa ulat ni Lucas, na isinulat sa Griego, apat na konsepto ang binanggit—puso, kaluluwa, lakas, at pag-iisip. Ang sinabi ng lalaki ay maliwanag na nagpapakita na noong panahon ni Jesus, tinatanggap ng mga tao na ang apat na konseptong ito sa Griego ang katumbas ng tatlong salitang Hebreo sa tekstong sinipi.—Para sa mas detalyadong paliwanag, tingnan ang study note sa Mar 12:30.
buong kaluluwa mo: O “buong pagkatao (buhay) mo.”—Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
kapuwa: Tingnan ang study note sa Mat 22:39.
-