-
Lucas 11:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Minsan, pagkatapos niyang manalangin, sinabi sa kaniya ng isa sa mga alagad niya: “Panginoon, turuan mo kaming manalangin gaya ng ginawa ni Juan sa mga alagad niya.”
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Panginoon, turuan mo kaming manalangin: Si Lucas lang ang bumanggit ng kahilingan ng alagad na ito. Ang pag-uusap na ito ay nangyari mga 18 buwan matapos ibigay ni Jesus ang Sermon sa Bundok, kung saan itinuro niya sa mga alagad niya ang modelong panalangin. (Mat 6:9-13) Posibleng wala ang partikular na alagad na ito nang panahong iyon, kaya naging makonsiderasyon sa kaniya si Jesus at itinuro ulit ang mahahalagang punto ng modelong panalangin. Ang pananalangin ay regular na bahagi ng buhay at pagsamba ng mga Judio, at maraming mababasang panalangin sa aklat ng Awit at sa iba pang bahagi ng Hebreong Kasulatan. Kaya malamang na marunong namang manalangin ang alagad na ito at dati na siyang nananalangin. Siguradong pamilyar din siya sa pormalistikong panalangin ng mga relihiyosong lider ng Judaismo. Pero malamang na naobserbahan niya kung paano manalangin si Jesus at nakita niya ang malaking kaibahan nito sa pakitang-taong panalangin ng mga rabbi.—Mat 6:5-8.
-