-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mapilit: Ang salitang Griego na ginamit dito ay puwedeng literal na isaling “walang kahihiyan.” Pero sa kontekstong ito, ang salitang ito ay tumutukoy sa pagiging mapilit o malakas ang loob. Ang lalaki sa ilustrasyon ni Jesus ay hindi nahiyang mangulit para makuha ang kailangan niya, at sinabi ni Jesus sa mga alagad niya na dapat na maging ganoon din sila kapag nananalangin.—Luc 11:9, 10.
-