Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 11:42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 42 Pero kaawa-awa kayong mga Pariseo, dahil ibinibigay ninyo ang ikasampu ng yerbabuena, ruda, at lahat ng iba pang gulay,+ pero binabale-wala ninyo ang katarungan at pag-ibig sa Diyos! Obligado kayong gawin ang mga iyon, pero hindi ninyo dapat bale-walain ang iba pang bagay.*+

  • Lucas 11:42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 42 Ngunit sa aba ninyong mga Pariseo, sapagkat ibinibigay ninyo ang ikasampu+ ng yerbabuena at ng ruda at ng bawat iba pang gulay, ngunit nilalampasan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos! Ang mga bagay na ito ay obligado kayong gawin, ngunit ang iba pang mga bagay na iyon ay huwag kaligtaan.+

  • Lucas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 11:42

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 1031, 1402

      Jesus—Ang Daan, p. 178

      Ang Bantayan,

      9/1/1988, p. 24

  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11:42

      ikasampu ng yerbabuena, ruda, at lahat ng iba pang gulay: Sa Kautusang Mosaiko, dapat magbigay ang mga Israelita ng ikapu, o ikasampu, ng ani nila. (Lev 27:30; Deu 14:22) Hindi espesipikong iniutos ng Kautusan na ibigay ang ikasampu ng maliliit na halamang pampalasa, gaya ng yerbabuena at ruda; pero hindi naman kinondena ni Jesus ang kaugaliang ito. Ang pinuna niya ay ang mga eskriba at mga Pariseo dahil mas mahalaga sa kanila ang maliliit na detalye ng Kautusan kaysa sa mga simulain dito, gaya ng katarungan at pag-ibig sa Diyos. Nang ulitin ni Jesus ang puntong ito, na nakaulat sa Mat 23:23, binanggit niya ang yerbabuena, eneldo, at komino.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share