-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
libingang walang tanda: O “libingang hindi madaling mapansin.” Karaniwan nang simple lang at walang dekorasyon ang libingan ng mga Judio. Gaya ng ipinapakita sa talatang ito, may mga libingan na hindi talaga mapapansin, kaya posibleng matapakan iyon ng mga tao at maging marumi sila sa seremonyal na paraan nang hindi nila namamalayan. Sa Kautusan ni Moises, itinuturing na marumi ang sinumang madikit sa anumang bagay na may kaugnayan sa patay, kaya ang sinumang makatapak sa mga libingang iyon ay magiging marumi sa seremonyal na paraan nang pitong araw. (Bil 19:16) Para madaling makita at maiwasan ang mga libingan, pinapaputi iyon ng mga Judio taon-taon. Sa kontekstong ito, maliwanag na sinasabi ni Jesus na ang mga taong nakikihalubilo sa mga Pariseo dahil naniniwala silang mabubuting tao ang mga ito ay naiimpluwensiyahan ng masamang ugali at maruming kaisipan ng mga Pariseo nang hindi nila namamalayan.—Tingnan ang study note sa Mat 23:27.
-