Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 11:52
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 52 “Kaawa-awa kayong mga eksperto sa Kautusan, dahil inilayo ninyo sa iba ang susi ng kaalaman. Kayo mismo ay hindi pumasok, at pinipigilan din ninyo ang mga gustong pumasok!”+

  • Lucas 11:52
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 52 “Sa aba ninyo na mga bihasa sa Kautusan, sapagkat inalis ninyo ang susi ng kaalaman;+ kayo mismo ay hindi pumasok, at yaong mga pumapasok ay hinadlangan ninyo!”+

  • Lucas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 11:52

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 1212

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      11/2017, p. 15-16

      Jesus—Ang Daan, p. 178-179

      Ang Bantayan,

      6/15/2009, p. 32

      3/15/1991, p. 5

      9/1/1988, p. 25

  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11:52

      ang susi ng kaalaman: Sa Bibliya, ang mga binigyan ng mga susi, literal man o makasagisag, ay pinagkatiwalaan ng awtoridad. (1Cr 9:26, 27; Isa 22:20-22) Kaya ang terminong “susi” ay naging sagisag ng awtoridad at responsibilidad. Sa kontekstong ito, ang “kaalaman” ay lumilitaw na tumutukoy sa kaalamang mula sa Diyos dahil ang kausap ni Jesus ay mga lider ng relihiyon na eksperto sa Kautusan. Dapat sana ay ginagamit nila ang awtoridad at kapangyarihan nila para bigyan ang mga tao ng tumpak na kaalaman tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa kanila ng salita ng Diyos. Sa Mat 23:13, sinabi ni Jesus na “isinasara [ng mga lider ng relihiyon] ang Kaharian ng langit sa mga tao.” Ipinapakita lang nito na ang ekspresyong pumasok sa Luc 11:52 ay tumutukoy sa pagpasok sa Kahariang iyon. Dahil hindi itinuturo ng mga lider ng relihiyon sa mga tao ang tumpak na kaalaman tungkol sa Diyos, napipigilan nila ang mga ito na maintindihan nang tama ang Salita ng Diyos at makapasok sa Kaharian ng Diyos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share