-
Lucas 11:53Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
53 Pagkalabas niya roon, pinaulanan siya ng tanong ng mga eskriba at mga Pariseo at kinontra siya.
-
-
Lucas 11:53Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
53 Kaya nang lumabas siya mula roon ay sinimulan ng mga eskriba at mga Pariseo na lubhang gipitin siya at pagtatanungin siya tungkol sa iba pang mga bagay,
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kinontra siya: Ang ekspresyon sa orihinal na Griego ay puwedeng tumukoy sa literal na panggigitgit sa isang tao, pero dito, lumilitaw na tumutukoy ito sa panggigipit kay Jesus ng mga lider ng relihiyon para takutin siya dahil sa galit nila sa kaniya. Ang pandiwang Griego na ginamit dito ay isinaling “nagkimkim ng galit” sa Mar 6:19 para ipakitang hindi humuhupa ang galit ni Herodias kay Juan Bautista.
-