-
Lucas 12:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Pagkatapos, may isa mula sa karamihan na nagsabi: “Guro, sabihin mo sa kapatid ko na hatian ako sa mana.”
-
-
Lucas 12:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Sa gayon ay sinabi sa kaniya ng isa sa pulutong: “Guro, sabihin mo sa aking kapatid na hatian ako ng mana.”
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
hatian ako sa mana: Malinaw sa Kautusang Mosaiko kung paano dapat hatiin ang mana sa magkakapatid. Tatanggap ng dobleng mana ang panganay na lalaki, dahil sa kaniya rin mapupunta ang responsibilidad ng ulo ng pamilya. (Deu 21:17) Ang matitira ay paghahati-hatian ng iba pang tagapagmana. Lumilitaw na ang lalaki sa talatang ito ay sakim at gusto niyang makakuha ng higit pa kaysa sa parte niya. Ito ang posibleng dahilan kaya sumabat siya habang nagtuturo si Jesus tungkol sa espirituwal na mga bagay para lang magpatulong sa problema niya sa pera. Hindi nakialam si Jesus sa isyung iyon, pero nagbabala siya laban sa kasakiman.
-