Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 12:42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 42 Sinabi ng Panginoon: “Sino talaga ang tapat na katiwala,* ang matalino, na aatasan ng panginoon niya sa grupo ng mga tagapaglingkod* nito para patuloy na magbigay sa kanila ng kinakailangang pagkain sa tamang panahon?+

  • Lucas 12:42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 42 At sinabi ng Panginoon: “Sino ba talaga ang tapat na katiwala,+ yaong maingat,+ na aatasan ng kaniyang panginoon sa kaniyang lupon ng mga tagapaglingkod upang patuloy na magbigay sa kanila ng kanilang takdang pagkain sa tamang panahon?+

  • Lucas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 12:42

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 1278-1279

      Jesus—Ang Daan, p. 182

      Ang Bantayan,

      7/15/2013, p. 20

      4/15/2011, p. 4

      6/15/2009, p. 20-21

      4/1/2007, p. 22-23

      3/15/1990, p. 10-11, 15-16

      10/1/1988, p. 9

      Ministeryo sa Kaharian,

      6/1998, p. 3-4

  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12:42

      katiwala: O “tagapamahala sa sambahayan.” Ang salitang Griego na oi·ko·noʹmos ay tumutukoy sa isang tao na inatasang mangasiwa sa mga tagapaglingkod, kahit na siya mismo ay isa ring tagapaglingkod. Noon, kadalasan nang ang pinipili para sa posisyong ito ay isang tapat na alipin na inatasang mangasiwa sa mga pag-aari ng panginoon niya. Kaya talagang pinagkakatiwalaan ang ganitong alipin. Ganiyang klase ng katiwala, o tagapamahala sa sambahayan, ang lingkod ni Abraham na “namamahala sa lahat ng pag-aari niya.” (Gen 24:2) Ganiyan din si Jose, gaya ng makikita sa Gen 39:4. Ang “katiwala” sa ilustrasyon ni Jesus ay nasa pang-isahang anyo, pero hindi ito nangangahulugang tumutukoy ito sa isang partikular na tao. Gumagamit kung minsan ang Kasulatan ng pangngalang nasa pang-isahang anyo para tumukoy sa isang grupo, gaya noong sabihin ni Jehova sa bansang Israel: “Kayo [pangmaramihan] ang mga saksi ko, . . . oo, ang lingkod [pang-isahan] ko na aking pinili.” (Isa 43:10) Kaya ang ilustrasyong ito ni Jesus ay tumutukoy rin sa isang grupong pinagkakatiwalaan. Sa kaparehong ilustrasyon na nasa Mat 24:45, ang aliping ito ay tinawag na “ang tapat at matalinong alipin.”

      matalino: Ang pang-uring Griego na phroʹni·mos na ginamit dito ay nangangahulugang may kaunawaan, nag-iisip muna, maingat, at marunong sa praktikal na paraan. Ginamit ni Lucas sa Luc 16:8 ang ibang anyo ng salitang Griegong ito, kung saan isinalin itong “mas marunong sa praktikal na paraan.” Ginamit din ito sa Mat 7:24; 25:2, 4, 8, 9. Ginamit ng Septuagint ang salitang ito sa Gen 41:33, 39 sa paglalarawan kay Jose.

      grupo ng mga tagapaglingkod: O “mga lingkod ng sambahayan.” Gaya ng terminong “mga lingkod ng sambahayan” (sa Griego, oi·ke·teiʹa), na ginamit sa Mat 24:45, ang terminong ginamit dito (sa Griego, the·ra·peiʹa) ay tumutukoy sa lahat ng indibidwal na naglilingkod sa sambahayan ng panginoon niya. Ang terminong ginamit ni Lucas ay klasikal na Griego at kapareho ng kahulugan ng terminong ginamit ni Mateo. Posibleng ito ang ginamit niyang termino dahil sa kaniyang pinag-aralan at karanasan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share