-
Lucas 12:49Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
49 “Dumating ako para magpasimula ng apoy sa lupa, at ano pa ang mahihiling ko kung nasindihan na ito?
-
-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
magpasimula ng apoy: Nangangahulugan ito na noong dumating si Jesus, dumaan sa maigting na panahon ang mga Judio. Nagpasimula si Jesus ng apoy nang magbangon siya ng mga isyu na naging dahilan ng mainitang pagtatalo at tumupok sa maraming maling turo at paniniwala. Halimbawa, naniniwala ang mga Judio na pagdating ng Mesiyas sa lupa, palalayain niya ang Israel mula sa pamamahala ng Roma, pero hindi niya iyon ginawa. Namatay pa nga siya sa kahiya-hiyang paraan. Sa masigasig na pangangaral niya, laging itinuturo ni Jesus ang tungkol sa Kaharian ng Diyos, at pinagmulan ito ng mainitang pagtatalo sa buong bansa.—1Co 1:23.
-