Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 13:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Kaya sinabi niya sa tagapag-alaga ng ubasan, ‘Tatlong taon na akong naghahanap ng bunga sa punong ito, pero wala akong makita. Putulin mo na ito! Bakit masasayang ang lupa dahil sa punong ito?’

  • Lucas 13:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Sa gayon ay sinabi niya sa tagapag-alaga ng ubasan, ‘Narito, tatlong taon+ na akong pumaparito at naghahanap ng bunga sa puno ng igos na ito, ngunit wala akong nasumpungan. Putulin mo ito!+ Bakit nga pananatilihin nitong walang-silbi ang lupa?’

  • Lucas
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 13:7

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1064

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 938

      Jesus—Ang Daan, p. 184

      Ang Bantayan,

      5/15/2003, p. 25-26

      10/15/1988, p. 8

  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13:7

      Tatlong taon: Ang mga bagong puno na itinanim gamit ang bahaging tinabas mula sa ibang puno ng igos ay karaniwan nang namumunga nang kahit kaunti pagkatapos ng dalawa o tatlong taon. Nang sabihin ni Jesus ang ilustrasyong ito, mga tatlong taon na siyang nangangaral, at lumilitaw na dito tumutukoy ang tatlong taon na binanggit niya sa ilustrasyon. Mga tatlong taon nang sinisikap ni Jesus na palaguin ang pananampalataya ng mga Judio. Pero kaunti lang ang naging alagad, na maituturing na bunga ng pagsisikap niya. Ngayon, sa ikaapat na taon ng ministeryo niya, dinoble pa niya ang pagsisikap niya. Nang mangaral at magturo si Jesus sa Judea at Perea, para bang binubungkal niya ang lupa at nilalagyan ng pataba ang makasagisag na puno ng igos, na kumakatawan sa bansang Judio. Pero kakaunti lang ang nakinig sa kaniya, kaya naging karapat-dapat sa pagkapuksa ang bansang Judio.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share